Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga pelikulang tampok sa Metro Manila Film Festival.
Sa kanyang mensahe, binati ng Pangulo ang MMFF sa kanilang ika-50 na taon.
Binigyang diin ng Pangulo na ang MMFF ay bahagi na ng buhay at kultura bilang Pilipino dahil ang mga pelikulang bumibida rito ay kuwento ng mga Pilipino.
Naniniwala ang Pangulo na ang mga kalahok na pelikula ay siguradong magbibigay saya at mag-iiwan ng aral.
Dahil dito ay hinimok ng Pangulo ang bawat pamilya at magbabarkada na suportahan ang 10 pelikula ng MMFF 2024.
Tatagal ang palabas ng mga pelikula sa mga sinehan sa buong bansa hanggang January 7, 2025.