DAVOS, Switzerland- MAKARAANG mapahanga sa mga talumpati at pagbabahagi ng lagay ng ekononomiya sa Pilipinas, inalok ni World Economic Forum (WEF) founder and executive chairman Professor Klaus Schwab si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maging bahagi ng itatatag na center para sa mga makabagong teknolohiya na tutulong sa bansa para sumulong ang ekonomiya.
Sa kasagsagan ng WEF ay inihayag ni Schwab ang kagalakan at pagnanais ng WEF na isulong ang cooperation sa pagtatatag ng center para sa joint cooperation sa makabagong teknolohiya.
Ang organisasyon ay nagtataglay ng maraming service centers para sa newest technologies gaya ng artificial intelligence, ayon kay Schwab.
“And the idea is to share their own experience. It’s always in support of technology,” ani Schwab at kinilala ang India bilang halimbawa kung saan ang WEF ay hahanap para sa application ng makabangong teknolohiya upang madagdagan ang increase agricultural activity,” ani Schwab.
Ang WEF ay mayroon nang organisasyon sa San Francisco para sa crypto at blockchain, ayon sa WEF founder.
Sa ngayon ay marami ang talakayan sa internet para sa three-dimensional, virtual interaction communities combined with artificial intelligence, na hihimok sa WEF na mag-develop ng global collaboration platform.
“For example, we have a showcase here, we use the oceans, which are very important as a showcase and you can start the discussion but at the same time you dive down into oceans and you see the plastics, you see coral reefs,” sabi ni Schwab.
“We have all the representations of some countries, of companies and you can interact every time,” dagdag pa ni Schwab.
Inalok din ni Schwab si Pangulong Marcos na saksihan ang inagurasyon ng global collaboration platform.
“When we inaugurate it, we will invite the Philippines to be amongst the first countries to have a… we call it a residence where you can showcase your investment opportunities in a much more effective manner compared to video conferencing because you bring people in the next of what’s happening,” paliwanag ni Schwab.
Kabilang naman sa mga teknolohiya na maaring makamit kapag sumali sa organisasyon ay paglikha ng clean fuel, energy transformation, education, at healthcare.
“So when you have for example energy transformation, the creation of clean fuel or you can show, you can take someone that can guide you along. So this will be the technology of the future which will be applied very much also in education, in healthcare, because you can have consultation,” dagdag ng WEF executive chairman.
Tumugon naman si Pangulong Marcos at sinabing aatasan niya ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na makipag-coordinate sa WEF. EVELYN QUIROZ