PBBM KAY XI JIN PING: HUWAG GULUHIN ANG PINOY FISHERMEN SA WEST PH SEA

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping na huwag guluhin at hayaang mangisda ang mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Ang Pangulong Marcos at si  Xi ay nagkausap sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa San Francisco, California sa Amerika.

Ayon sa Pangulong Marcos,  pinag-usapan nila ni Xi ang pagpapababa sa tensyon sa West Philippine Sea.“I simply once again voiced to him my concern on some of the incidents that were happening between Chinese vessels and Philippine vessels, culminating in an actual collision, as we have seen before.”

Sinabi pa nito na nagkaroon na sila ni Xi ng mekanismo para maayos ang gulo sa West Philippine Sea.

Dagdag ni Pangulong Marcos, hindi dapat na saktan ang mga Pilipinong mangingisda at hindi dapat na idaan sa dahas.

“I always bring up the plight of our fishermen. And I asked that we go back to the situation where both Chinese and Filipino fishermen were fishing together in these waters and so, I think the point was well taken by President Xi,” pahayag ni Pangulong Marcos.