PBBM KINUHA ANG SUPORTA NG AUSTRALIA VS BANTA NG RULE OF LAW

SENTRO ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australian Parliament ang paglaban ng magkaalyadong bansa sa mga banta sa rule of law, pagpapatatag at kapayapaan sa Indo-Pacific region.

Sinamantala ni Pangulong Marcos ang pagkakataon upang talakayin ang pagsasanib puwersa para sa seguridad at depensa.

“Today, we add a further dimension to the relationship as we address concerns on our security and defense. We are called upon once again to join forces, together with our partners, in the face of threats to the rule of law, to stability, and to peace,” ayon sa pangulo.

Umaasa ang Pangulo na magiging matagumpay ang partnership ng dalawang bansa at magkakatulungan sa usapin ng depensa at seguridad.

Sa record, noong September 8, 2023 ay lumagda ng kasunduan sina Pangulong Marcos at Prime Minister Anthony Albanese na palakasin pa ang bilateral relations ng dalawang bansa upang matiyak at pagsulong at kapayapaan.

Kinilala rin ng Pangulo ang mahalagang ginagampanan ng Australia sa Pilipinas lalo na’t may Visiting Forces Agreement.

Samantala, idiniin pa ng Pangulo sa kanyang talumpati ang posisyon sa South China Sea at nangakong paninindigan ang Philippine waters at idinepensa rin ang
United Nations Convention on the Law of the Sea.
EVELYN QUIROZ