PBBM LUMAGDA SA BOOK OF CONDOLENCE KAY QUEEN ELIZABETH

LUMAGDA sa book of condolence para sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Atty. Liza Araneta-Marco, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa British Ambassador’s residence sa Forbes Park sa Makati City.

“We join the Royal Family, the British people and the Commonwealth, and millions around the world in mourning the death of the longest-reigning monarch in British history,” bahagi ng formal letter ng pakikiramay ni Pangulong Marcos.

Una nang sumabay sa ibang lider ng iba’t ibang bansa para makiramay at magpugay si PBBM sa 96-anyos na British queen.

“It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening,” ayon sa pahayag ni Marcos.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos bilang tunay, tapat at may dignidad ang Reyna.

Aniya, labis na dinadakila ng Filipino si Queen Elizabeth II na naging katuwang din sa pagsulong ng bansa bilang Reyna, ina at grandmother.

Naulila ni Queen Elizabeth II ang mundo habang sa taglay ang tunay na Kamahalan.

“We, together with many Filipinos living and working in England, though not subjects of the Queen, have found ourselves having developed a great sense of affection for her as a Queen, as mother, and as a grandmother, the world had lost a true figure of majesty in what the Queen demonstrated throughout her life and reign,” dagdag pa ng Pangulo.

Una nang inanunsiyo ng Buckingham Palace ang pagpanaw ng Reyna makaraan ang 70 taong pamumuno.

Si Queen Elizabeth na pamoso sa buong mundo ay naluklok sa kanyang trono sa edad na 25 kasunod ng kanyang pagkamatay ng kanyang ama na si King George V1 noong 1952.

Iniluklok naman bilang Hari ng Inglatera ang kanyang anak na si Prince Charles na tatawaging King Charles III. EVELYN QUIROZ