IGINIIT ni Senator Sonny Angara na makatutulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kumbinsihin ang mga mambabatas sa suportahan ang economic Charter change.
Inamin ni Angara na malaking hamon na makakuha ng 18 na boto sa Senado para amyendahan ang Saligang Batas.
Giit ni Angara, kailangan ng matinding pagsisikap para mahikayat ang Punong Ehekutibo na kumbinsihin ang mga senador na suportahan ang Cha-cha.
Ilang senador ang nagpahayag ng pagtutol sa pag-amyenda ng Saligang Batas.
LIZA SORIANO