PBBM NAGBIGAY PUGAY KAY GOKONGWEI

BINIGYANG-PUGAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang philanthropist na si John Gokongwei Jr. dahil sa mga ambag nito sa bansa lalo na sa mga Filipino.

Sa kanyang talumpati sa inauguration ng Expanded Petrochemicals Manufacturing Complex sa Batangas City, inilarawan ni Pangulong Marcos ang complex na taglay ang “a cutting-edge technology,” nagtuturo ng kakayahan at kumpiyansa sa dakilang pananaw ni Gokongwei.

“His (Gokongwei) is a story of guts and grit for the ages,” anang Pangulo.

Inalala rin ng Pangulo ang pinagmulan ni Gokongwei at kung paano nito napaunlad ang sarili sa pamamagitan ng malalaking proyekto na nakatulong sa kanya at ang paghihirap na nakasakay ng bisikleta para maghanapbuhay upang masuportahan ang pamilya.

“From thereon, he never stopped venturing out to new frontiers, combining audacity with acumen to launch great products that capture Filipino hearts and, in the process, generated profit with honor,” ayon pa sa Pangulo.

Kinilala rin ni PBBM ang pagiging promotor ni Gokongwei sa “Build, Better and More” at hanggang bahagi ito ng extensive portfolio ng JG Summit na lumikha ng trabaho dahil pinasok ang industriya ng airplanes, chemicals, housing to hotels at fish to Naphtha crackers.

Hinamon din ni Pangulo ang lahat na tularan si Gokongwei at kung paano nito naisip ang pagkakaroon ng Petrochemicals Manufacturing Complex, na nagsibi ng significant role sa bawat Filipino.

“So, it gives me tremendous hope that Mr. John’s strong belief in the Filipino and his abiding faith in our country are the same forces that drive the worthy stewards of his legacy to never stop making the lives of the Filipino people better,” ayon pa sa Pangulo.

Ang Pangulo ang naging guest of honor at keynote speaker sa inauguration ng JG Summit Olefins Corporation’s (JGSOC) na pinalawak na petrochemicals manufacturing complex sa Barangay Simlong, Batangas City. EVELYN QUIROZ