IPINAGDIWANG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ika-65 na kaarawan sa pamamagitan ng simultaneous bamboo-planting activity sa buong bansa sa Brgy. Pintong Bocaue, San Mateo, Rizal.
Sinabi ng Pangulo, mahalagang bigyang pansin ang problema sa kalikasan dahil ito na rin ang suliranin sa buong mundo.
Target ng Pangulo na mataniman ang 46,265 na ektaryang lupain ngayong taon.
Bukod sa reforestration, target din ng pamahalaan na maging enhanced national greening program sites ang may 11,631 na ektaryang lupa sa 2023.
Umaasa ang Pangulo na makalilikha ang gobyerno ng trabaho at livelihood opportunities sa mga Filipino.
“Kaya naman ay pinili namin sabi ko siguro ang pinakamaganda ay para ‘yung kaarawan ko ay maging mas makabuluhan at talagang may dahilan na tayo ay mag-celebrate ay sabi ko gawa tayo ng greening tree planting at ‘yan naman talaga ay ang pinakaimportanteng isyu hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo ngayon,” ayon sa Pangulo.