PBBM NAGPAHATID NG PAGBATI KAY PM IBRAHIM

NAGPAHATID ng malugod na pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong prime minister ng Malaysia na si Anwar Ibrahim.

Ayon sa Pangulong Marcos, kaibigan nya si Ibrahim at masaya siya sa panalo nito sa katatapos na halalan sa kanilang bansa.

“I would like to congratulate my good friend Anwar Ibrahim on his election as Prime Minister of Malaysia. I look forward to the stability that his leadership will provide Malaysia and the region,” ayon pa sa Pangulo.

Hangad din ni Pangulong Marcos ang katatagan ng relasyon ng Pilipinas at ng Malaysia at parehong sumulong sa ekonomiya at seguridad. EVELYN QUIROZ