(PBBM nagpasalamat kay Sheikh Mohamed) 143 PINOY SA UAE NABIGYAN NG PARDON

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si United Arab Emi­rates (UAE) President Sheikh Mohamed bin Zayed para sa pagpapatawad sa 143 Pilipino na nahaharap sa mga kaso.

Para sa Pangulo, ang   “generous” act ng UAE  ay nagdulot ng relief sa maraming pamilya.

Hindi sinabi ni Marcos Jr. kung aling mga krimen ang kinasangkutan ng 143 Pilipino at kung anong mga sentensiya ang kinakaharap nila sa UAE, ngunit binanggit na ipinarating niya ang mensahe sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono sa Malacañang.

“I expressed my gratitude for the kindness extended to them, particularly their generous pardon of 143 Filipinos, which has brought relief to many families,” sabi ni Marcos Jr. sa kanyang social media post.

Ang ating mga bansa ay nagbabahagi ng matibay na ugnayan, na nakaugat sa mga halaga at adhikain ng ating mga mamamayan, at inaasahan kong palakasin ang pakikipagtulungang ito sa mga darating na taon,” aniya.

Nagpasalamat din ang Filipino leader sa kanyang Emirati counterpart para sa tulong na ipinadala nila sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.

Sa 2.16 milyong overseas Filipino workers na nakalista noong 2023, 13.6 percent ang nagtrabaho sa UAE, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Mula Enero hanggang Hulyo 2024, umabot sa $21.5 bilyon ang OFW remittances.

Sa halagang ito, 4.2 porsyento ay mula sa mga manggagawang Pilipino sa UAE.

EQ