PBBM NAGPASALAMAT SA TULONG NG MALAYSIA SA MGA NASALANTA NI KRISTINE

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa mga tulong na ibinigay sa bansa para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Nagkausap sa telepono ang dalawang lider kung saan ay pinaabot ng Pa­ngulong Marcos ang labis na pasasalamat sa pagpapadala ng Malaysia ng Eurocopter EC-725 na naging mahalagang bahagi ng paghahatid ng agarang tulong sa mga komunidad na lubhang tinamaan ng naturang bagyo.

“The air support they provided allowed us to reach areas thart are still struggling with severe flooding, bringing relief to the families who otherewise couldn’t be reached” sabi pa sa social media post ng Pa­ngulong Marcos.

“In this time of mourning the lives lost, it is also heartening to see how our friends in ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) have responded with support in our time of need. This kind of solida­rity is what strengthens our region,” sabi pa ng Pangulo.

Ayon kay Ibrahim ang ginawang pagtulong ng Malaysia sa Pilipinas tuwing may krisis ay bahagi  ng mas pinalalakas na samahan ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa pagtugon sa mga pagsubok na hinaharap ng mga member nations sa rehiyon.

EVELYN QUIROZ