NAGPAPLANO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng isa pang State of the Nation Address (SONA), ngunit haharapin niya ang mga stakeholder.
Ito ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
Sinabi ni Zubiri na narinig niya ang tungkol kay Marcos na may ideya na gumawa ng isa pang SONA na may buong Cabinet slate sa entablado at talakayin ang ilang mga isyu sa harap ng iba’t ibang sektor at stakeholder.
“If I’m not mistaken, he wants to have another Sona for the stakeholders. I didn’t ask him that personally, but I spoke to two secretaries, and he had this idea in Malacañang in one of the Cabinet meetings,” ayon kay Zubiri.
“He wants to do another one with a full Cabinet slate on stage and discuss it to the different sectors, in the foreign chambers, in all industries concerned, and he wants to lay it out one by one how he wants to do it,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Zubiri “quite comprehensive” ang naging speech ni Marcos sa SONA. LIZA SORIANO