PBBM NAKATUTOK SA POGO ISSUE

NAKATUTOK si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin kaugnay sa Philippine offshore gaming operators (POGO) sa bansa at umaasang kikilos ang Philippine National Police sa mga untoward incidents na may kinalaman sa nasabing operasyon.

Ito ang tugon ni Office of the Press Secretary and Officer-in-Charge Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil sa katanungan ng media sa ginanap na press briefing kahapon.

“Of course, the President is closely monitoring this. And as far as the President is concerned, ang PNP po ang in-charge dito sa usapin na ito,” ayon kay Garafil.

Sinabi ni Garafil na ikinagalak ng Malakanyang ang ginawang paglilinaw ng Chinese Embassy na hindi kasama sa blacklisted tourist site ang Pilipinas.

Batay sa pahayag ng embassy, ang report na tourist blacklist ay isang misinformation.

“Nakita na natin iyong paglilinaw nga ng Chinese Embassy, at nag-post na rin sila ng official statement nila sa kanilang social media accounts. And we share the sentiment of the Chinese Embassy in the Philippines that tourism is an important facet to our relationship,” diin ni Garafil.

Nananatili rin aniya ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China
“And we look forward to continuing with that relationship as we continuously welcome our friends from China, and we anticipate more of them to come in the months and years ahead,”dagdag ni Garafil.

Umaasa rin ang administrasyong Marcos na magiging income generator ang tourism industry ng bansa lalo na’t patuloy ang pagbubukas ng ekonomiya mula sa mahigit dalawang taong pandemya dulot ng COVID-19. EVELYN QUIROZ