PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony ng Ortigas-Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway Project sa Pasig City kahapon.
Sa kanyang talumpati makaraan ang pagbabaon ng time capsule, tiniyak ng Pangulo na karagdagang business opportunites at economic activities ang dulot ng nasabing proyekto na aniyaý hudyat ng mas masiglang ekonomiya sa bansa.
Kumpiyansa rin ang Pangulong Marcos na kapaki-pakinabang sa lahat, hindi lamang sa mga negosyante ang nasabing proyekto dahil makalilikha ng maraming economic activities para sa taumbayan habang mapabibilis pa ang biyahe ng mga motorista sa naturang lugar.
Natatanaw rin ng Punong Ehekutibo na sa mga susunod na panahon ang pagkakaugnay ng business districts sa Metro Manila habang inaasahan ang mga bagong negosyo o sangay ng mga dati nang tindahan dahil sa economic activities na lilikhain ng proyekto.
“With improving linkages of key areas in business districts in the metro as well as the availability of stalls and other stores in the stations and nearby markets, we can see more business opportunities for entrepreneurs and investors and additional economic activity,” dagdag pa ng Pangulo.
Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na tingnan ang positibong bahagi ng proyekto kaysa isipin ang mga inconvenience dahil sa anim na taong konstruksiyon na nangangahulugang isasara ang ilang bahagi ng Meralco Avenue at Shaw Boulevard.
“Although it is a given that the construction of these structures will take time and cause disruption, let us be optimistic and just count the small inconveniences as a small prize to pay for the fruitful results that this program, this project will yield,” panghihikayat pa ni Pangulong Marcos.
Samantala, kinilala ng Pangulo ang groundbreaking ceremony bilang isang signal sa buong mundo na handa ang Pilipinas sa isang grandiosong pangarap na makasabay ang bansa para mabilis na public transportation.
“Let the breaking ground of this subway system signal our intention to the world to pursue even grander dreams and more ambitious endeavors that will bring comfort and progress to our people all over the country,” dagdag pa ng Pangulo.
Ang proyekto na bahagi ng 33-kilometer Metro Manila Subway Project (MMSP) Phase 1 ay isang foreign assisted project sa ilalim ng Official Development Assistance program at suportado ng pondo mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang Package 104 ng MSSP ay isasakatuparan ng joint venture ng Tokyo Construction Co. Ltd., Tobishima Corporation at Megawide Construction Corporation.
Kapag naging operational, maaaring makapagsakay ang MMSP ng 150,000 pasahero kada araw bago matapos ang taong 2028 at mapaiikli ang biyahe mula Quezon City hanggang sa Manila International Airport mula sa isang oras at kalahati ay tatagal na lamang ng mula 30 hanggang 35 minuto ang travel time. EVELYN QUIROZ