PBBM NANGUNA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS

BULACAN- PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-125 anibersaryo ng First Philippine Republic sa makasaysayang simbahan ng Barasaoin sa Malolos City.

Kasama ng punong ehekutibo sina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Katuwang rin ng Pangulo sina Gobernor Daniel R Fernando at Vice Gobernor Alexis Castro.
Matatandaang ang First Philippine Republic ay nabuo, matapos ang adoption ng 1899 Malolos Constitution.

Ito rin ang kauna-unahang Democratic Republic sa Asya na nagsilbing inspirasyon ng ibang Asiatic republics, kabilang dito ang Republic of China noong 1911.

Sa kalaunan ay pinalitan ng Revolutionary Government na binuo ni President Emilio Aguinaldo noong Hunyo 18,1898 matapos ang proklamasyon ng Philippine Independence mula naman sa Spanish Empire noong Hunyo 12,1898.

Mula Enero, 1899 bago pa madakip ng mga sundalong Amerikano si Aguinaldo sa panahon ng Philippine-American War sa Palanan, Isabela noong Marso 22, 1901.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lamang isasagawa ang programa sa loob mismo ng simbahan.

Ayon naman kay Malolos City Mayor Christian Natividad, pinakamahalaga ang pagtitipon na ito dahil sumasalamin sa malalim na kasaysayan ng lahing Filipino. THONY ARCENAL