(PBBM nanindigan) ICC WALANG HURISDIKSIYON SA PINAS

NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang  International Criminal Court (ICC) at hindi makikipagtulungan ang pamahalaan sa isasagawang imbestigasyon kaugnay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa harap ng mga ulat na dumating na sa bansa ang  ICC representatives para ipagpatuloy ang imbestigasyon sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Let me say this for the 100th time. I do not recognize the jurisdiction of ICC in the Philippines. I do not, I consider it as a threat to our sovereignty. The Philippine government will not lift a finger to help any investigation that the ICC conducts,” giit pa ng Pangulo sa media interview makaraang dumalo sa inilunsad na transplant program sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City kahapon.

However, as ordinary people, they can come and visit the Philippines pero hindi kami tutulong sa kanila. In fact, binabantayan namin sila, making sure that hindi sila— that they do not come into contact with any agency of government,” dagdag pa ng Pangulo.

Nilinaw rin ng Pangulo na kung sakaling makipag-ugnayan ang ICC sa alinmang ahensiya ng gobyerno maging sa mga police personnel at local governments ay may direktiba siya na huwag makipagtulungan sa mga representative ng nabanggit na international body.

Huwag ni’yong sasagutin, ‘yun ang sagot natin. That we don’t recognize your jurisdiction, therefore, we will not assist in any way, shape or form, any of the investigations ICC is doing here in the Philippines,” giit pa ng Pangulo.

Magugunita na noong Enero 2023, ay pinahintulutan ng ICC ang reopening ng imbestigasyon makaraan itong suspendihin noong Nobyembre 2021.

Taong 2019 sa panahon ni dating Pangulong Duterte ay nag-withdraw ang Pilipinas sa Rome Statute.

EVELYN QUIROZ