PBBM nasa Brunei para sa 2-day state visit

TUMULAK kahapon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa dalawang araw na state visit sa Brunei-Darussalam para sa pagpalakas ng bilateral ties, defense, economic at tourism cooperation sa pagitan ng Pilipinas at nasabing bansa.

“Babaunin ko ang aking tungkulin at pangako na lalo pang palakasin at ang pagkakaibigan at pagtutulungan sa at ng ating bansa sa ibang bansa kagaya ng Brunei Darussalam,” bahagi ng departure speech ni Presidente Marcos.

Aniya, bahagi ito ng traditional tour sa kapwa miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para mapalakas ang relasyon sa kapitbahay na bansa at makilala ang Pilipinas bilang globally-competitive.

Ang pagbisita ay pagpapaunlak ni Pangulong Marcos sa paanyaya ni His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah.

“And as soon as I arrive at Bandar Seri Begawan, I will be meeting with His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah to review the progress of our bilateral cooperation, explore new mutually-beneficial partnerships and collaboration aimed at achieving prosperity. We must now deepen the bonds of friendship between our two countries,” anang Pangulo.

Nakatakdang saksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa ilang agreements sa sektor ng ageiculture, food securoty, maritime cooperation at tourism na lalagdaan amg mga agreements sa security.

Kasamang bumiyahe ng Pangulo sa Brunei si First Lady Liza Araneta Marcos at ilang miyembro ng kanyang gabinete na kinabibilangan nina Foreign Secretary Enrique Manalo, Tourism Secretary Christina Frasco, Transportation Secretary Jaima Bautista, Energy Secretary Raphael Lotilla, Trade Secretary Alfredo Pascual, Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go at Presidential Communications Secretary Cheloy Velicaria- Garafil.

EVELYN QUIROZ