SI Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang panauhing pandangal sa national tax campaign kickoff ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pebrero 7, ayon kay Revenue Commissioner Romeo Lumagui, Jr.
Bago ilunsad ang nalalapit na filing season, kinasuhan naman ng tax evasion sa Department of Justice ni Commissioner Lumagui ang 74 individuals at corporate taxpayers — kabilang ang mga negosyanteng may-ari ng oil companies at cigarette makers, dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Bukod kay Presidente Marcos, inaasahang dadalo rin sa tax campaign kickoff si Finance.Secretary Benjamin Diokno at ang mga economic manager ng bansa para kumbinsihin ang taxpaying-public na magkaisa at tulungan ang administrasyong Marcos sa pangangalap ng malaking pondo sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis para tugunan ang mga makabuluhang proyekto para sa kaunlaran ng bansa.
Ngayong fiscal year, ang BIR at Bureau of Customs (BOC) ay natokahang kumolekta ng kabuuang P3.436 trilyong buwis.
Mas mataas ito kung ihahambing sa nakaraang revenue tax goal ng dalawang collection agencies sa bansa.
Ang 60% ng overall target collections ay kokolektahin ni newly BIR Assistant Commissioner for Large Taxpayers (LTS) Jethro Sabariaga, habang ang 40% ay nakaatang sa regional directors at revenue district officers sa buong kapuluan.
Sa gitna ng nalalapit na tax campaign ng BIR, nagbabala si Commissioner Lumagui na seryoso nilang kakasuhan sa korte ang sinumang lalabag sa mga probisyon ng National Internal Revenue Tax Code (NURTC).
“We’re doing this because we want to convey to the public, especially that the filjng season is fast approching, to ensure that if we file our returns, we pay the correct tax or risk facing complaints,” ani Commissioner Lumagui.
Sinabi ng BIR chief na sa bilang na 74 individuals at corporate taxpayers, 53 sa mga ito ay sinampahan ng kaso sa DOJ na ang amount na involved ay umaabot sa P3.56 bilyon, samantalang ang 21 iba pa ay kinasuhan ng tax evasions sa mga local prosecution office sa iba’t ibang lugar na ang halagang involved ay umaabot naman sa P15.9 milyon.
“Inuulit ko, ito ay isang babala sa sinuman na kaming mga taga-BIR ay seryosong sasampahan ng kaso sa korte ang sinumang mapatutunayang nandaraya at hindi tumutupad sa kanilang tax obligations dahil narito kami upang kumolekta ng buwis para sa bayan,” ani Lumagui.
Sa pag-upo ni Commissiiner Lumagui, agad nitong binalasa ang mga key position sa BIR at itinalaga ang mga bagong regional directors sa Metro Manila at karatig-probinsya.
Inaasahang susunod namang balasahin ng BIR chief ang hanay ng mga RDOs sa lahat ng dako ng bansa.
Kabilang sa mga naka-goal ng kanilang tax collections ay sina Metro Manila BIR Regional Directors Dante Aninag (Makati City), Gerry Dumayas (Caloocan City), Edgar Tolentino (South NCR), Albino Galanza (East NCR) at Bobby Mailig (Quezon City).
vvv
(Para sa komento: mag-email sa drerickcbalane.gmail.com o tumawag sa 09266481092)