NANAWAGAN ng whole-of-government approach si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. makaraang ianunsiyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng ilagay nila sa red at yellow alert status ang Luzon grid.
Inatasan na ng Punong Ehekutibo ang Department of Energy (DOE) na puspusang i-monitor at makipag-ugnayan sa lahat ng stakeholders para tutukan ang power supply situation.
Lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay inatasan na rin ni Presidente na magtakda ng standard ng pagpupulong para sa pagtitipid sa enerhiya upang makatulong sa pamahalaan.
“At this time, it is crucial that we all work together to ensure a stable power supply for the next couple of days. Let’s adopt energy-efficient practices and stand together to overcome this challenge,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi ng NGCP na ang isang dilaw na alerto ay ibinibigay kapag ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang transmission grid’s contingency requirement habang ang isang red alert status ay ibinibigay kapag ang power supply ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng consumer at ang regulating requirement ng transmission grid.
Una nang itinakda ang yellow alert mula ala- 1 ng hapon hanggang 2 ng hapon; 4pm hanggang 6pm; at 9pm hanggang 11pm habang ang red alert status ay mula sa alas- 2pm hanggang 4pm; at 6pm hanggang 9pm.
EVELYN QUIROZ