PBBM SA GULF STATES: OIL SUPPLIES SA ASEAN TIYAKIN

BALIK bansa na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa Saudi Arabia at sa pagdalo sa 1st Association of Southeast Asian Nation-Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit.

Habang nasa summit, nanawagan ang Pangulong Marcos sa mga bansang miyembro ng GCC na tulungan ang ASEAN nations na magkaroon ng sapat na oil and gas supplies.

Ang GCC members ay Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia at ang United Arab Emirates habang ang 10 ASEAN member countries ay ang Brunei, Burma (Myanmar). Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.

“We call on the GCC countries to help ensure the reliable and sufficient supply of oil and gas to ASEAN member states to respond in a timely and effective manner to the vicissitudes of today’s energy economics, deepening social cleavages, and the disruptions of adverse geopolitical developments,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang intervention sa ASEAN-GCC Summit.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na ang chemical fertilizers ay by-products ng petrochemical refinement process at ang GCC ay makatutulong sa ASEAN member countries para makamit ang

food security.
“We recognize that chemical fertilizers are the by-products of the petrochemical refinement process, and the GCC can also help ASEAN maintain its food security by filling up supply deficiencies in fertilizer export to our region,” dagdag ng Pangulong Marcos.

Magugunitang bago tumulak sa Saudi Arabia, sinabi ng Department of Foreign Affairs na maaaring magkaroon ng rollback sa oil products kapag nakausap ang Gulf state.

Bukod sa supply ng langis, sinabi ni Marcos na kinikilala rin niya ang mga potensyal na synergies ng capital investment sa pagitan ng mga hub economies ng mga bansang GCC at ng ASEAN Member States upang matugunan ang supply ng pagkain, renewable energy transformation, at mga pagkagambala sa supply chain.
EVELYN QUIROZ