HINIKAYAT ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr. ang mga Pilipino na magbayad ng tamang buwis.
Sa kanyang pagsasalita sa tax campaign kickoff ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong taon, sinabi ni Marcos na mahalaga ang buwis para buhayin ang ekonomiya na pinadapa ng pandemya.
“I encourage the public to pay the correct amount of taxes on time to support the country’s economic recovery and expansion so critical in this time,” sabi ni Marcos.
“It is my confidence that you will continue to cooperate, collaborate, and coordinate with the government on how to improve the experience of our tax collection system,” dagdag pa niya.
Pinuri rin ng Pangulo ang pagsisikap ng BIR sa pag-digitalize sa mga transaksiyon at sa pagpapaigting sa crackdown sa tax evaders at sa mga lumalabag sa tax code.