(PBBM sa Pinoy athletes sa Paris Olympics) ‘GOOD LUCK’

NAGPAABOT si Presidente Ferdinand ‘ Marcos Jr. ng ‘well wishes’ sa mga Pinoy  athlete na sasabak sa  2024 Paris Olympics at Paralympics.

”To the 28 of our finest athletes who shall be competing in Paris now for the glory of the Philippines. Let us wish them well and the best good luck,” pahayag ni Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.

Ang Paris Olympics ay gaganapin sa July 26 hanggang August 11.

Nangako rin ang Pangulo na patuloy na susuportahan ng kanyang administrasyon ang health-enhancing sports programs.

Binanggit din niya na balik na sa mainstream ang grassroots at sports-for-all programs, para sa lahat ng Pilipino.

“Through these, we will also set forth our youth on the same well-established path that has taken some of our national champions and renowned athletes to sporting greatness,” anang Pangulo.

Nagpasalamat naman si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa Pangulo sa pagbibigay-halaga sa sports, lalo na sa kampanya ng 28 Filipino athletes sa Paris—22 sa Olympics at 6 sa Paralympics.

“Thank you, PBBM, for your kind wishes for the athletes at the Olympics,” sabi ni Tolentino.

“It’s definitely inspiring and it’s an extreme boost to the morale not only to our athletes competing in Paris, but to the entire Philippine sports,” dagdag ni Tolentino, na lilipad sa Paris ngayong Martes upang pangasiwaan ang Philippine Olympic campaign.

“This may be exaggerated but the President putting emphasis on sports in a very important event in his administration—something that’s never been done by past Presidents in memory— gives us the goose bumps,” ani Tolentino, na bilang POC head ay personal na iminungkahi sa Malacañang na isama ni Presidente Marcos ang  sports agenda sa kanyang SONA.

CLYDE MARIANO