PBBM SA PNPA GRADS: YAKAPIN ANG DIGITAL AT IT SA PAGLABAN SA KRIMEN

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatapos ng 223 miyembro ng Layag-Diwa Class of 2024 sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp Castaneda, Silang, Cavite kahapon.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo na masusukat ang career hindi sa bilis ng promosyon kundi sa kalidad ng serbisyo sa taumbayan.

“Let me remind you that your career should not be measured by the speed you have moved up the ranks alone, but by the quality of the service that you have given to our people,” bahagi ng talumpati ng Pangulo sa 45th PNPA Commencement Exercises for Layag-Diwa Class of 2024.

“The service you are about to consecrate your life to is not a race to collect insignia nor accumulate prized assignments. It is to do as much good as often to as many without expecting any reward in return, because service itself is our reward,” ayon sa Pangulong Marcos.

Sa bagong pagtatapos ng 233 kadente, umaasa ang Panguulong Marcos na wala nang kakapusan ng tauhan sa PNP at maging sa Bureau of Fire Protection (BFP), at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Hindi rin nakalimutan ng Pangulo na himukin ang graduating PNPA class na yakapin ang digital and information technology (IT) bilang paglaban sa krimen, sa pagsisilbi sa mamamayan at gumawa sa mga inobasyon na may kaugnayan sa serbisyo.

Malaki ang hakbang ng gobyerno sa krusada laban sa krimen at isinulong ang layunin ng kapayapaan at kaayusan, sabi ni Marcos.

Hinihimok din nito na tahakin ang isang mas mabuting landas at tandaan na buuin ang sinimulan ng mga nauna sa kanila.

Payo pa ni Pangulo sa mga miyembro ng PNPA “Layag-Diwa” Class na sundin ang core values ng police state academy na Justice, Integrity, Service, at maging “be the wind that propels you forward.” EVELYN QUIROZ