PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika 77th founding anniversary ng Philippine Air Force sa Four-Bay Hangar, Cesar Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga.
Sa kanyang mensahe, kanyang kinilala ang katapangan at sinaluduhan ang mga tauhan ng PAF na katuwang ng pamahalaan para sa aniya’y enduring spirit of freedom.”
Tema ng pagdiriwang ang Accelerating Above and Beyond: 77 Years of PAF Excellence in Protecting the Nation and Securing the Skies.
“Serving as the “nation’s wings” for more than 70 years, the PAF is the “faithful guardian” of the Philippine aerial domain, ayon sa Pangulong Marcos.
Pinuri rin ni PBBM ang hindi matatawarang dedikason at kabayanihang pagganap ng PAF at kanyang hinimok ang mga ito na palakasin pa angir defense gayundin ang armed forces ng bansa..
“Together, let us fortify our efforts to build a stronger Air Force and Armed Forces of the Philippines that will serve as an instrument for peace and for unity, a catalyst for nation-building, and a vanguard of stability,” bahagi ng talumpati ng Pangulo.
Sa harap ng Pangulo ay ginawaran ng parangal ang mga outstanding PAF officers habang tiniyak ang pagdaragdag ng ang air asset, pagpapahusay ng system of communications at cyberwarfare.
“I assure you of this Administration’s support in prioritizing your welfare, ensuring that you are well attended to in terms of overall health and wellness so you may perform your duties effectively and safely,” anang Commander-in-Chief.
Tiniyak pa ng Punong Ehekutibo na maibibigay sa mga kawani ng PAF ang karampatang benepisyo upang maging inspirado para sa malakas na air force.
“We have increased our maritime domain awareness by regularly conducting maritime patrol missions [and] monitoring over four hundred unknown tracks within the Philippine Air Defense Identification Zone,” dagdag pa ng Pangulo.
“We have likewise supported internal security operations, which have resulted in the surrender and neutralization of over two hundred and fifty members of local insurgency groups,” giit pa niya.
Sinamantala rin ng Pangulo na makasama ang PAF officials at personnel at nanawagan na sundin ang itinatakda ng Bagong Pilipinas at panatilihin ang pagkakaisa sa kanilang mission na magbigay ng proteksyon sa himpapawid.
Iginawad naman ng PAF kay Pangulong Marcos ang brass eagle sculpture memento sa nasabing okasyon.
Ang PAF ay naitatag noong July 1, 1947 sa pamamagitan ng Executive Order No. 94.
EVELYN QUIROZ