PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian, at iba pang ahensya ang paghahatid ng halos P100 milyong halaga ng tulong sa may 11,808 benepisyaryo sa Davao Region kasama ang healthcare worker, estudyante, mga kabataan, at mga guro.
Sa ilalim ng flagship program ni Pangulong Marcos na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na pinasimulan ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Romualdez at DSWD bilang implementing agency, inanunsyo ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada ang payout ng AKAP sa iba’t ibang sektor sa Davao Region para sa libu-libong indibidwal at pamilya na may kabuuang halagang P91.955 milyon.
“With the instruction of President Marcos, we will continue to deliver direct assistance to our people, especially with the good news about the inflation last month that eased to 1.9 percent from 3.3 percent in August and 4.4 percent in July,” ani Speaker Romualdez.
“The Marcos administration is very responsive to the needs of our people, and it is our commitment that no Filipino should feel abandoned during crises. Tingog will always work hard to ensure that aid will be delivered to those who need it most,” sabi naman ni Rep. Yedda Romualdez said.
Sabi naman ni Acidre, “Tingog, being a consistent partner of the Marcos administration in providing help to all sectors, will continue to champion efforts that bring tangible support to our people. Whether it is healthcare workers, students, educators, and others, they all deserve timely assistance.”
Sinabi ni Gabonada na AKAP payout ay ginanap noong Oktobre 2 sa Davao de Oro State College (DDOSC) New Bataan Campus, kung saan 2,190 estudyante ang nakatanggap ng tig-P2,000 tulong o kabuuang P4.38 milyon.
Ayon kay Gabonado, ang event ay dinaluhan nina reelectionist Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen “Maricar” S. Zamora, at iba pang lider ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) mula sa mga bayan New Bataan, Monkayo, Compostela, Montevista, Maragusan, Maco, Nabunturan, at Laak.
Sa kaparehong araw, sinabi ni Gabonada na ang tanggapan ni Speaker Romualdez, Tingog, DSWD, at iba pang partner ay nanguna rin sa payout sa Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City.
Binigyan umano ang may 2,288 benepisyaryo ng tig-P10,000 o kabuuang P22.88 milyon.
Sa ilalim ng AKAP, ayon kay Gabonada binigyan ng kabuuang P56.09 milyon ang may 5,609 benepisyaryo sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, tig-P10,000.
Ayon kay Gabonada ang payout ceremony ay ginanap sa Medical Social Service Building ng SPMC at dinaluhan ng mga pangunahing opisyal kabilang sina Dr. Ricardo Audan, Medical Center Chief, Atty. Oscar Mata, Chief Administrative Officer, Director Edwin Morata mula sa DSWD-Central, at Gerry Ramirez, Social Services Head ng Office of the Speaker.
Natulungan din sa ilalim ng AKAP noong Oktobre 5 ang 1,721 guro sa pribadong paaralan sa Tagum City na nakatanggap ng tig-P5,000 o kabuuang P8l605 milyon, ayon kay Gabonada. Dumalo sa event sina Davao del Norte Vice Governor De Carlo “Oyo” Uy at ilan pang opisyal sa lugar.