PBBM TUMULAK NG MALAYSIA

TUMULAK na kahapon ng tanghali si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa tatlong araw na state visit sa Malaysia sa imbistasyon ni Malaysian King Al-Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah.

Kasama sa delegasyon ng Pangulo si First Lady Marie Louise Araneta-Marcos, cabinet officials sa pangunguna ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Kabilang din sa aktibidad ng Pangulong Marcos ang pakikipagpulong kay Malaysian King Abdullah kung saan ay tatalakayin kung paano mas lalo pang mapalakas ang partnership ng dalawang bansa sa pamamagitan ng new areas of mutual cooperation at ang meeting naman kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ay upang maipagpatuloy ang cooperation sa mga napagkasunduang priority areas na nakatutok sa economic agenda ng dalawang bansa.

“In order to asisst our nation’s trajectory of economic growth and to meet our economic target of 6.4% year-on-year GDP growth this year, my visit will focus on the renewed partnerships in the fields of agriculture and food security, digital economy, tourism and peoole-to-people exchanges, as well as explore new avenues for cooperation, particularly in areas of the Halal industry and Islamic banking,” bahagi pa ng talumpati ng Pangulo.

Makikipagkita rin si Pangulo sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Malaysia upang ibahagi sa kanila ang mga programa ng pamahalaan para sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.

“I will be meeting our hardworking kababayans in Malaysia to personally show the nation’s care and protection and reassure them that the government is continuosly working to ensure their safety and well-being” sabi pa ng Pangulo.

“ I will be meeting with Malaysian business leaders as well ad tonshowcase trade and investment opportunities” dagdag nito.

Ang state visit sa Malaysia ang ika-anim na biyahe ng Pangulong Marcos ngayong taon. Ito rin ang kanyang ika-apat na state visit pagkatapos ang pagbisita sa Indonesia, Singapore at China.
EVELYN QUIROZ