PBBM WALA SA PDEA WATCHLIST

“PRESIDENT Marcos Jr. is not and was never in its watchlist”.

Ito ang tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang akusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama ang Pangulong Ferdinand Mecos Jr. sa listahan ng mga taong nasa watchlist na sangkot sa paggamit ng illegal na droga.

Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist”.

Ayon kay Duterte, ang ebidensiya ay ipinakita umano sa kanya noong siya ay alkalde pa ng Davao City.

Base sa rekord, sinabi ng PDEA na ang ahensiya ay binuhay noong July 30, 2002 nang itatag ang National Drug Information System (NDIS), na nagsisilbing intelligence database ng lahat ng  drug personalities at nagtitipon ng  inputs mula sa mga law enforcement at intelligence counterparts.

Tiniyak din ng PDEA na hindi kailanman napasama sa listahan ng NDIS ang pangalan ni Pangulong Marcos mula noong 2002 hanggang sa kasalukuyan at hindi rin nakasama sa listahan ng  drug personalities kahit pa noong panahon ng administrasyong Duterte.

It is worthwhile to note that, when the former President took over in 2016, his administration came out with a list, which was then initially called the ‘narco-list, sometimes referred to as the Duterte list, and upon continuing validation and re-validation, it became the Inter-Agency  Drug Information Database, or IDI,” pahayag pa ng PDEA.

Kahapon ay pinangunahan ni Pangulong Marcos ang kick-off rally ng  “Bagong Pilipinas” campaign na ginanap sa Quirino Grandstand sa Maynila na dinaluhan at nilahukan ng tinatayang  400,000 katao.

Layunin ng programa ang pagkakaisa sa pag- abot ng mithiin at layunin para sa bawat Pilipino.

EVELYN QUIROZ