PBBM WALANG DEADLINE (Sa pagbuo ng gabinete)

WALANG deadline na itinakda ang Malacanang para sa pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng iba pang mga opisyal na bubuo sa kanyang gabinete.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni PCOO secretary Trixie Cruz Angeles na masusi lamang ang ginagawa nilang evaluation o pag- aaral sa mga kandidato sa puwesto.

Sa ngayon, sinabi ni Angeles na nasa final evaluation stage na ang Pangulo para sa mga pipiliing iluluklok na cabinet secretaries gayundin sa iba pang posisyon sa mga GOCC.

Naniniwala si Angeles na hindi magtatagal at mag-aanunsiyo na ulit si Pangulong Marcos ng iba pang mga pangalan para sa kanyang mga gabinete.

Samantala, itinanggi naman ni Angeles na nahahaluan ng pulitika ang pamimili ng Pangulo sa itatalaga nitong mga opisyal bagkus ay sumusunod lamang sila sa proseso

Ilan lamang sa bakante pang puwesto sa gabinete ang Dpartment of Environment and Natural Resources, Department of Health at Department of Energy, gayundin sa PAGCOR, PCSO at iba pang GOCC. Beth C