PBIC PLANONG TANIMAN NG KAWAYAN ANG 19,000 EKTARYA SA BUONG BANSA

kawayan-10

PLANO ng Philippine Bamboo Industry Council (PBIC), isang inter-agency group na bumubuo ng national at local government representatives, na gawing bamboo plantation ang tinatayang 19,000 ektarya ng lupa ngayong taon. Nasa 13,000 ektarya ng lupaing ito ay nasa Region 6 (Western Visayas).

Sa isang meeting kamakailan, sinabi ni Trade Secretary and PBIC Chairman Ramon Lopez na nakahanda ang Department of Trade and Industry (DTI) na handang magbigay ng Shared Service Facilities (SSFs) para sa mga gustong magbakasakali sa nego-syong bamboo processing. Ang agri-business ventures, tulad ng bamboo production at processing, ay bahagi rin ng DTI Strategic Investments Priorities Plan (SIPP), na nagbibigay sa investors ng tax incentives.

Nangako rin siya na isasama ang bamboo plantations DTI Roads Leveraging Linkages of Industry and Trade (ROLL-IT) Pro-gram sa Department of Works and Highways (DPWH). Layon ng programa na magtayo ng “plant to market” roads para mapagaan ang pagdedeliber ng mga produkto lalo na sa mga malalayong lugar.

“Bamboo planting can provide a sustainable source of livelihood to people in the countryside. Since the plant grows quickly and is weather-resilient, it is an ideal business for farmers who are looking for alternative sources of income,” ani Sec. Lopez.

Sinabi ni PBIC Vice Chairman and Ilocos Sur Representative Deputy Speaker DV Savellano na ang mga target ng lugar para sa taniman ay siguradong tataas dahil ang Department of National Defense (DND) at ilang State Universities and Colleges ay in-teresado na magtanim ng kawayan sa kanilang pag-aaring lupain.

“When we talk about bamboo, everyone is excited,” pahayag ng congressman. Nagbo­luntaryo rin siya para sa kanyang distrito para sa pilot program, na puwedeng kopyahin sa buong bansa.

Ang kawayan ay kilalang madaling patubuin na halaman na may mataas na CO2 absorptive capacity na nagbibigay ng oportuni-dad na pagkakakitaan para sa mga komunidad ng magsasaka.

Nangako rin si DENR Secretary Roy Cimatu ng mahigit sa 50% ng kanilang NGP para palawakin at pagtaniman ng maraming kawayan.

“DENR’s Ecosystems Research and Development Bureau will provide training on bamboo production. Bamboo farmers can al-so get loans at 2% interest per year under Landbank’s Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) Lending Program,” ani Cimatu.

Aabot lamang sa tatlong taon para ang kawayan ay tumubo ng buo, kompara sa 10 hanggang 20 taon para sa mga kahoy. Puwedeng gamitin ang halamang ito bilang material sa konstruksiyon, ganundin bilang furniture at paper-making, ang ilan sa mga gamit nito.

May mandato ang Executive Order 879 na lumikha ng PBIC na ang 25% ng mesa at ibang furniture sa public schools ay dapat gawa sa kawayan. Ang kawayan ay epektibo sa pag-iwas sa baha at pag-absorb ng carbon dioxide, na nakababawas sa epekto ng climate change.

Maglulunsad ang council ng isang opisyal na kampanya sa Marso para itaguyod ang industriya ng kawayan. Ang kampanya ay tatawaging 5Ks: Kawayan, Kalikasan, Kabuhayan, Kaunlaran, Kinabukasan.

Comments are closed.