PCA IPINATUTUPAD ANG 5% BIO DIESEL BLEND

philippine coconut authority

HINIMOK ng Philippine Coconut Authority at mga kaanib nito ang gobyerno na ipatupad agad ang implementasyon ng Biofuels Act of 2006 o ang Republic Act No. 9367 para matugunan ang bumubulusok na presyo ng copra.

Ipinag-uutos ng RA 9367 na lahat ng fuels na ibenebenta sa domestic market ay dapat haluan ang limang porsiyentong  coco methyl ester (CME) na kinuha sa copra – dried coconut kernel, kung saan hinahango ang coconut oil.

Sa pagbanggit ng pi­nirmahang resolusyon ng mga kaanib ng industriya, sinabi ni PCA administrator Romulo dela Rosa  na ang produksiyon ng 5-percent biodiesel blend or B5 ay makatutulong sa pagtugon ng bumabagsak na presyo ng copra.

“B5 is important because it will give immediate relief to coconut farmers, it can increase the price [of copra] by around P3 because the demand will go up,” pahayag ni Dela Rosa sa isang forum kamakailan.

Sinabi pa ng PCA administrator na ang pagtaas ng demand sa coconut oil dala ng galaw sa  B5 ay puwedeng makapagtulak ng presyo ng copra ng malapit sa  P30 kada kilo, na puwedeng maging P22 kada kilo sa farmgate.

Ang kasalukuyang presyo ngayon ay nasa P13 na nasa malayong lugar ay mababa pa para umabot sa break-even copra production price na P15 kada kilo, aniya.

Ang sobrang baba ng presyo ng copra, ayon sa resolusyon, ay sobrang nakaaapekto sa kabuhayan ng  3.5 milyong coconut farmers at ng kanilang pamilya gayundin ang coconut-based export sector, dagdag pa niya.

Sinabi ni Dela Rosa na bumagsak ang presyo ng copra dahil sa pagdagsa ng supply sa world market ng vegetable oils gayundin sa speculative behavior ng global traders na nag-react sa pahayag ng European Union (EU) na kanilang iba-ban ang paggamit ng palm oil sa kanilang biofuels program.

“The price of copra in the international market has slumped, which in turn affect domestic prices,” aniya.

Sinabi pa ng  PCA administrator na ang industriya ng niyog  ay sobrang nakadepende sa foreign markets, kaya ang pagtaas ng domestic demand sa produkto ng niyog ay makatutulong para makabitaw ang industriya ng merkado ng niyog sa merkado ng global vegetable oils.

Binanggit din niya ang pag-aaral ng Asian Institute of Petroleum Studies Inc., at sinabi ni dela Rosa na ang biofuels industry ay manga­ngailangan ng 360 million liters ng CME kada taon kung ipatutupad ang per year 5 percent bio-diesel blend.

Para makaprodyus ng halagang ito ang CME, kakailanganin ang 489.8 million kilos ng copra, aniya pa.

Kumpiyansa umano si Dela Rosa na ang industriyang lokal ay makakaprodyus ng kinakailangang copra para maipatupad ang 5-percent biodiesel blend.

Itinutulak din ni Dela Rosa ang integras­yon ng  coconut-based manufacturing plants na makapagbibigay ng mas maraming produkto tulad ng bottled coconut water, coconut milk, desiccated coconut, virgin coconut oil at coconut flour from whole nuts.

“Because they have many co-products coming out of the whole nut, these plants enable the industry to absorb declining prices somewhere in the market thus ensuring stable coconut prices at the farm level,” sabi niya.

“Farmers are less affected by price shocks and coconut farmers shall have predictable incomes which will encourage them to introduce good agricultural practices in their farms.”

Comments are closed.