NAG-ALOK ng “advisory support” ang Philippine Competition Commission (PCC) kamakailan sa Department of Agriculture (DA) para magbalangkas ng polisiya sa pagbabago ng kalagayan ng farm sector sa gitna ng posibilidad na kakulangan ng karneng manok sa susunod na second quarter ng taong ito.
“As the country’s champion for market competition, the PCC stands ready to offer advisory support to the Department of Agriculture in the formulation of policies that meet the dual objectives of promoting healthy market competition and improving the welfare of producers in the agriculture sector,” pahayag ni PCC Chairman Arsenio Balisacan kamakailan.
Habang kinikilala ng PCC ang napapanahong pagsisikap ng DA para maagap na matulungan ang poultry raisers, sinabi ni Balisacan, “an agreement among competitors to collectively raise prices is considered anti-competitive and illegal under Section 14(a) of the Philippine Competition Act”.
Nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na may napipintong pagkukulang sa karneng manok sa bansa dahil sa hindi pagkakasundo ng mga kasapi nito sa presyo ng kalakal.
“The stakeholders could not seem to agree on what to do, but I hope they will,” sabi ni Piñol sa isang panayam kamakailan.
Napansin ni Piñol na ang presyo ng manok ay bumagsak na sa PHP38 sa ibang lugar at nalulugi na ang mga magsasaka kaya “dapat na sila ay magkasundo na taasan ang presyo ng farm gate ng kahit PHP10 kada linggo hanggang sa dumating ang oras na maabot nila ang antas na hindi na sila malulugi pang muli.”
Nagpahayag ng pag-aalala ang hepe ng DA na kapag nagpatuloy ang kasalukuyang sitwasyon, “some of the small players might get out of the business and we might have shortage of chicken by second quarter of the year.”
Sinabi ni Balisacan na para matugunan ang problema ng poultry raisers at maiwasan ang idudulot nito sa consumers, “it is more efficient to allow producers to independently adjust their own prices or output.”
“Concerned agencies may also consider pro-competitive forms of assistance such as access to agricultural credit or the provision of research and extension services to boost the productivity of poultry raisers,” dagdag niya.
Pero, hindi naman payag ang United Broiler-Raisers Association (UBRA) sa panukala ng PCC, dahil mayroon anilang “distortive” market control elements ng higit pa sa farmgate issue.
“Apparently, they do not understand the situation. There are distortive market control elements beyond the farmgate. It’s their job to look into that situation,” mensahe ni UBRA president Bong Inciong.
“If we are able to set our prices in the first place independently without pressure from distortive forces, there would be no need for us to seek help from the government,” dagdag niya.
Samantala, sinabi ni Piñol na nag-atas na siya na repasuhin ang dami ng manok na inaangkat ng bansa dahil baka ito ay sobra-sobra na sa merkado para matanggap ito at magdulot ng masama at lalong masaktan ang local poultry industry.
Ang stock ng local chicken sa ngayon sa cold storage ay nasa 18 million kilograms habang ang imported chicken ay nasa 16 million kg. “That would represent over supply. The market could not absorb such volume,” sabi niya.
At dahil dito, sabi niya, ang malalaking players ay mapipilitang magbaba ng presyo ng kanilang manok na siya namang makasasama sa local producers.
Sinabi ni Piñol na sa ilalim ng kasunduan ng World Trade Organization (WTO) sa trade partners, ang Filipinas ay makagagawa ng remedy para mapangalagaan ang industriyang lokal laban sa over-importation. PNA
Comments are closed.