NAGPAHAYAG ang Philippine Carabao Center (PCC) na gusto nilang pag-ibayuhin ang kanilang genetic improvement program para maitaguyod ang paglago ng kalabaw sa bansa lalo na sa bilis ng local demand ng carabeef na nauungusan ang bilang ng naipoprodyus na kalabaw.
Sinabi ni Caro B. Salces, bagong itinalagang Deputy Executive Director ng PCC, na ang kasalukuyang problema ng carabao industry ay ang pagbaba ng populasyon ng buffaloes dahil sa mababang reproductive efficiencies at slaughter rates, na natatabunan ang pagdami nito.
Dagdag pa ni Salces na itong unang focus “would be on improving the reproductive efficiencies specifically calving interval of buffaloes to significantly contribute to the development of carabao industry.”
“PCC has been successful in its genetic improvement program and enterprise development for the past 25 years providing additional income to the farmers and players in the carabao commodity value chain,” lahad niya sa isang panayam.
“We will definitely strengthen our ties with these stakeholders to sustain and enhance the gains. Operational research and research for development must work hand in hand,” dagdag pa niya.
Ang dami ng kalabaw noong nagdaang taon ng 2017 ay bumaba ng kaunti sa 144,409 metrikong tonelada (MT), timbang sa buhay, mula 144,685 MT na naitalang volume noong 2016. Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang pagbaba ay maiuugnay sa karamihan sa mga magsasaka na itinatago ang kanilang kalabaw para sa breeding purposes.
“The number of carabao slaughtered decreased in the regions of Central Luzon, Central Visayas and Ilocos Region as the stocks are kept for breeding purposes,” aniya pa.
Nakita sa mga naunang datos na ini-release ng PSA na ang panimulang imbentaryo ng bansa noong nakaraang taon ay bahagyang lumago sa 2.881 milyong ulo mula sa 2.877 milyong buhay na kalabaw naitala noong Enero 1, 2016.
Ang bilang ng mga kalabaw na ipinanganak noong 2017 ay umabot sa 501,921 ulo, 0.51 porsiyento na mas mataas kaysa sa 499,367 ulo na ipinanganak noong 2016.
Pero ang bilang ng mga hayop na na-dispose noong nakaraang taon ay lumawak sa 1.33 porsiyento sa 501,160 ulo mula sa 494,566 ulo noong 2016. Nasa 93.03 porsiyento o 466,237 ulo ang kinatay, na 0.33 porsiyentong mataas kaysa sa 464,687 na ulo na naitala noong 2016.
Ang natitirang volume ng 34,923 ulo ay namatay dahil sa sakit, na 16.88 porsiyentong mataas kaysa sa 29,879 ulo na naitala noong 2016.
Nanumpa si Salces noong Hulyo 9 sa harap ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol. Sinunda ni Salces si Felomino Mamuad, na nagkaroon ng compulsory retirement noong Nobyembre, ayon sa PCC.
“As deputy executive director, one of his main functions is to oversee the regional centers’ operations and guide them towards achieving their major final outputs to contribute to the development of carabao-based enterprises,” pahayag ng PCC.
Si Salces ay dating center director ng PCC sa Ubay Stock Farm (PCC@USF), sa Bohol. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pinuri ang PCC@USF bilang “Best Performing Center” noong 2015 at “Outstanding Regional Center” ngayong taon, ayon sa PCC.
“It was also under his leadership that the center was successfully transformed into self-liquidating farm and enterprise operation with milk production in the area of coverage from zero to 1000 liters milk yield per day with annual sales of P36 million in four Dairy Box outlets,” dagdag pa ng PCC. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.