SUMALI na rin umano ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa expanded search na ginagawa ng US warship para sa isang nawawalang US Marines na hinihinalang nalaglag sa barko.
Sa ulat na nakalap, nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng US Navy na lulan ng USS Essex sa karagatang sakop ng Sulu Sea at Surigao Sea.
Hindi naman naglabas ng statement ang US Navy maging ang US embassy sa Maynila at maging ang Philippine Coast Guard kung bakit sa dala-wang karagatan o lokasyong sakop ng Filipinas nagsasagawa ng search and rescue mission.
Sa isang social media site, may naka-post noong Biyernes ng hapon na may isang tauhan ng US 13th Marine Expeditionary Unit ang hinihinalang nahulog sa dagat mula sa US warship noong Huwebes ng umaga habang naglalayag sa karagatang sakop ng Filipinas.
Sinasabing gamit ang ilang Aircraft, na lulan ng USS Essex, ay ginagalugad nila ang karagatang sakop ng Sulu Sea at Surigao Strait habang hinaha-lungkat din nila ang loob ng barko na posibleng kinaroroonan ng nawawalang US Marine ayon sa kanilang social media sites.
Nagsasagawa umano ng routine operations sa Sulu Sea ang puwersa ng US na nakabase sa California nang maganap ang insidente.
“We remain committed to searching for and finding our marine,” ayon sa statement na iniuugnay kay Colonel Chandler Nelms pinuno ng 13th US Marine Expeditionary Unit.
“All of our sailors, marines and available assets aboard the USS Essex have been and will continue to be involved in this incredibly important search and rescue operation,” pahayag naman ni US Navy Captain Gerald Olin. VERLIN RUIZ
Comments are closed.