INALMAHAN Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines ang umano’y “offensive and unsafe action” ng Chinese Coast Guard kamakailan sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na ginamitan ng powerful laser beam na dahilan para pansamantalang mabulag ang crew nito sa deck.
Kahapon inihayag ni AFP Spokesman Col Medel Aguilar na maging ang DND ay umalma sa nasabing aksyon ng Chinese Coast Guard sa umanoy mistulang provocative act na maaaring maglagay sa mga tao sa peligro.
“The Secretary of National Defense has already declared that the act committed by the Coast Guard of China is “offensive and unsafe,” ani Col. Aguilar.
“Therefore, I think this time for the Chinese government to “restrain” it’s forces so it does not commit any provocative acts that will be endangering the lives of people,” dagdag pa ni Aguilar.
Nauna nang inakusahan ng PCG ang Chinese coast guard vessel sa paninilaw gamit ang “military-grade laser light” sa isa nilang barko sa West Philippine Sea, na pansamantalang bumulag sa kanilang mga tripulante nitong nakalipas na Linggo may 20 kilometro lamang mula sa Ayungin Shoal sa Spratly Islands kung saan naka-station ang Philippine marines.
Sinasabing ang Chinese ship na may bow number 5205 ay dalawang beses nagpakawala ng green laser light sa direksyon ng Philippine patrol boat BRP Malapascua, “causing temporary blindness to her crew at the bridge”, ayon sa inilabas na pahayag ng PCG.
Bukod dito, nagsagawa rin umano ng peligrosong maneuvering ang Chinese vessel nang lapitan nila ng halos 140 metro ang barko ng Pilipinas.
Nabatid na sinusuportahan lamang ng BRP Malapascua ang isinasagawang “rotation and resupply mission” noong nakaraang Linggo para sa tropa ng mga sundalong na naka-station sa barko ng Philippine Navy na sumadsad sa teritoryo ng Pilipinas .
“The deliberate blocking of the Philippine government ships to deliver food and supplies to our military personnel… is a blatant disregard for, and a clear violation of, Philippine sovereign rights in this part of the West Philippine Sea,” ayon sa PCG.
Gayundin, hiningan ng pahayag kahapon ang Chinese embassy hinggil sa insidente subalit hanggang sinusulat ang balita ay hindi pa naglabas ng kanilang panig.
Naganap ang nasabing insidente ilang araw matapos na matalakay ng Pilipinas at US ang posibleng pagkakaroong ng Joing RP-US maritime patrol sa dagat kasama ang West Philippine Sea.
Kamakailan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Japan ay iminungkahi rin ang pagbalangkas at pagkakaroon ng “tripartite agreement” sa pagitan ng Japan at US. VERLIN RUIZ