PCG, HEIGHTENED ALERT MULA DECEMBER 13

ITATAAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang  kanilang alerto simula Disyembre 13,2024 hanggang Enero 6,2025 dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga manlalakbay sa panahon ng Kapaskuhan.

Inatasan ni Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang mga Coast Guard districts, stations, at sub-stations na paigtingin ang seguridad at safety measures sa mga daungan at terminal sa bansa.

Sinabi ng PCG na ito ay para sa maayos na sea travel operations at seguridad ng mga turista sa mga beach at pribadong resort sa buong bansa.

Kabilang sa Western seaboard ang Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Aklan, Iloilo at Zamboanga regions, habang sakop ng  Eastern seaboard ang Manila, Bicol region, Samar, Leyte, at Surigao provinces.

Isasagawa ang mahigpit na inspeksyon sa pasahero, luggages, terminals, at mga barko  upang masiguro ang kaligtasan at kombin­yenteng port operations.

Magdedeploy din ng medical teams na tutulong sa mga manlalakbay sakaling may emerhensiya . Lifeguards, first responders, at marami pang PCG personnel ay magsasagawa ng pagpaptrolya sa maritime tourist destinations.

Katuwang ng PCG ang Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA) para sa  safety and security inspections sa mga barko. Pinaalalahanan din ang mga port passengers na manatilinh bigilante at alerto sa panahon ng paglalakbay.

PAUL ROLDAN