ISINAILALIM na sa hightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Kasunod nito ay nagpakalat na ang PCG Sub station Batangas ng isang response group para mabantayan ang sitwasyon sa paligid ng Bulkan.
Inatasan din ang Batangas PCG sub station na magsagawa ng patrolya sa bayan ng Talisay at San Nicolas at magpatupad ng force evaciation sa mga mangingisda at fish cage workers na nasa lawa ng Bulkan Taal.
Bukod pa rito, nakaantabay na rin ang dalawang truck ng PCG sa Batangas para tumulong sa paglikas ng mga apektadong residente. BETH C