PCG IDINEPENSA ANG INILATAG NA SECURITY OPS

IDINEPENSA ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commodore Armand Balilo ang i­lang araw nilang pagpapatrolya sa Manila Bay at Pasig River na may layong isang kilometro sa lugar ng pagdarausan ng panunumpa ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang panayam, sinabi nito na kahit support lamang sila sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa security ope­ration, mandato pa rin nila matiyak na walang makapupuslit na may masamang gawain na kadalasang dumaraan sa katubigan.

“Alam n’yo naman minsan sa katubigan dumaraan ‘yung maaaring manggulo at kasama po talaga iyan sa standard operating procedure, gaya sa APEC, Sto. Papa, nagkalat din tayo ng mga magpapatrol dito sa mga baybayin Manila Bay at Pasig River, wala namang pinipigilan sasakyan pandagat, tayo lamang ay nagsisigurado, kalmado lahat ng mga tao diyan sa ay nasa tamang ayos po,” ani Balilo.

Nilinaw nito, hindi nila pinipigilan ang anumang operasyon ng sasakyang pandagat sa Manila Bay at Pasig River kundi pagbabantay lamang. EUNICE CELARIO