MAYNILA – MAGRE-RECRUIT ng 400 na mga bagong opisyal at tauhan bago matapos ang 2019, ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo.
Ayon kay PCG Commandant Vice Admiral Joel Garcia, bukas ang aplikasyon sa lahat ng Filipino citizens at umaabot sa P37,000 ang entry level salary para sa mga enlisted personnel na may ranggong apprentice.
Bunsod ng pangangailangan ng dagdag na tauhan hinimok ni Garcia ang mga interesado na magsumite ng kanilang mga aplikasyon sa pinakamalapit na coast guard office sa kanilang mga lugar.
Ang entry level salary para sa commissioned officer na may ranggong Ensign ay ₱51,000.
Para naman sa PCG enlisted personnel, dapat mayroong atleast 72 completed units o 6-month Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) course certificate at dapat makapasa sa PCG ABT para sa enlistment.
Ang schedules ng pagsusulit ay sa Nobyembre 30, 2019, Disyembre 7, 2019, at Disyembre 14, 2019. VERLIN RUIZ
Comments are closed.