(PCG, MMDA lumagda ng MOA) PASIG RIVER FERRY SERVICE PALALAKASIN

PALALAKASIN ng Philippine Coast Guard (PCG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang partnership para mapabuti ang serbisyo ng Pasig River Ferry bilang paghahanda sa holiday season.

Base sa nilagdaang MOA sa pagitan ng PCG at MMDA nakatuon ito sa pagpapahusay ng transportasyon sa dagat at pamamahala ng trapiko sa National Capital Region (NCR).

Patuloy na magpapatakbo ang MMDA sa Pasig River Ferry Service na may itinalagang ruta papunta at pabalik sa Pinagbuhatan, Pasig City at Escolta, Manila bilang alternatibong paraan ng transportasyon para sa Metro Manila commuters.

Binigyang-diin sa MOA ang pangangailangang kakayahan at kasanayan sa pagpapatakbo, pagpapanatili at pag-secure ng Pasig River Ferry Service.

Pinapahintulutan din ng MMDA ang mga tauhan ng Coast Guard na gamitin ang kanilang mga rescue boat at dagdagan ang mga floating asset sa panahon ng mga operasyon sa pagtugon sa kalamidad.

Titiyakin ng ang mahusay na serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagtatag ng PCG ng isang outpost sa Pasig River Ferry Service at maglalagay ng sapat na bilang ng mga tauhan upang gampanan ang mga inilatag na tungkulin ng mga ito.
PAULA ANTOLIN