PCG MODERNIZATION TINIYAK NI PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. ₱Marcos Jr. na isusulong ng kanyang administrasyon ang modernisasyon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa kanyang talumpati nang pangunahan ang ika-121st PCG Founding Anniversary na ginanap sa Port Area sa Maynila, sinabi nitong magaganap sa kanyang panahon ang pagbabago patungo sa mabuti ang PCG.

“As your leader, I assure you that this administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better delivery of service to the nation,” bahagi ng kanyang talumpati.

Sa nasabing okasyon ay ginawaran din ng Pangulong Marcos ng pagkilala ang nga mga kagawad ng PCG na may katangi-tanging performance.

Ang pag-aabot ng pagkilala ay pinangunahan nina Pangulong Marcos at Coast Guard commandant Admiral Artemio Abu.

Binisita rin ng Pangulong Marcos ang BRP Gabriela Silang (OPV-3801), ang ilkatlong pinakamalaki at modernong vessel ng Coast Guard fleet.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga miyembro ng PCG na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon at pagpupursige sa kanilang tungkulin at responsibilidad para makamit ang pagnanais na maging world-class guardian ng karagatan at makapagsalba ng buhay para sa ligtas na maritime transportation, at matiyak ang malinis at ligtas na maritime jurisdiction.

“With the brave men and women of the Philippine Coast Guard, guarding our shores, I am confident that we will be able to steer our nation in a direction towards safer shores and even onwards to a better, brighter, and more prosperous future,” ayon kay Marcos.

Ang PCG na isang attached agency na nasa ilalim ng Department of Transportation, ay pinakamatanda at nag-iisang humanitarian armed service simula ng inception nito noong 1901.

Dumalo rin sa naturang pagdiriwang sina DOTr Secretary Jaime Bautista, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, National Security Adviser Clarita Carlos at Senador Francis Tolentino.EVELYN QUIROZ