CAVITE – UMAABOT sa 1,000 Mangroves Propagules ang pinagtulungang itinanim ng mga tauhan ng Phil. Coast Guard Cavite, PCG Auxillary 107th squadron, Coast Guard Aviation Force, Marine Environmental Unit Group, at BFARMC sa bahagi ng Brgy. Sta. Isabel, bayan ng Kawit sa lalawigang ito kahapon ng umaga.
Nabatid na ipinagpatuloy ng PCG Cavite ang implementasyon ng coast guarding para protektahan ang marine environment upang mapanatili ang kalinisan ng karagatan sa pamamagitan ng mangrove planting.
Kahit na nasa panahon ng pandemya ay kinakailangang maprotektahan ang marine environment sa pakikipagtulungan ng komunidad at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng lokal na ahensya ng lokal na pamahalaan.
Sa tulong ng PCG Cavite at Fisheries Aquatic Resources Management Council sa Kawit ay nakalikom ng 1000 mangrove propagules kung saan sabay-sabay na naitanim.
Kasalukuyang nangangalap pa ng mangrove para maitanim naman sa iba pang bahagi ng dalampasigan ng mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Cavite. MHAR BASCO