PCG SINASANAY NG US SA COMBAT RESCUE OPERATIONS

ISINAILALIM sa Tactical Combat Casualty Care Training(TCCC) ng US ang ilang kasapi ng Philippine Coast Guard (PCG) at crew nito sa Palawan kamakailan upang mas lalo pang madagdagan ang kaalaman sa pagtugon ng anumang rescue operations sa patuloy na pagbabantay ng karagatang sakop ng bansa.

Sa pamamagitan ng naturang training na isinagawa ng US Civilian Military Support Element-Philippines(CMSE PHL),binigyan ng iba’t-ibang senaryo hinggil sa maritime law enforcement,maritime security at maritime search and rescue operations ang 21 kawani ng PCG at ibinahagi sa kanila ang wastong paraan ng pagresponde kabilang ang pagbibigay ng paunang lunas sakaling may masugatang kasamahan nito o kaya sibilyan kung saan nakapaloob naman sa Coast Guard Support Force(CGSSF) na naglalayong mapalakas ang medical capabilities nito.

“Our personnel, specifically our boarding team members,had the opportunity to level up and enhance their skill and capability in responding to emergency situations that they might encounter while performing our function at sea.The training provided by our partners from US CMSE PHL will definitely help us in providing better services to our stakeholders and the people of Palawan,”ani BRP Commanding Officer Cdr.Erwin Tolentino.

Inaasahan na makakatulong ang nabanggit na pagsasanay sa hamon sa PCG lalo na’t puspusan ang isinasagawang pagpapatrolya nito ngayon sa karagatan ng bansa lalo na sa West Philippine Sea na naging kontrobersyal na naman matapos maglabas ng panibagong batas ang China na nagpapahintulot na putukan ang sinomang pumasok sa inaangking teritoryo nitong napapaloob naman sa exclusive

economic zone ng bansa batay na rin sa desisyon ng UN Tribunal noong 2016.

“With our PCG partners,we created challenging and realistic training that simulated scenarios the participants will encounter in emergencies.I am confident that the competencies learned during this event will benefit these officers in any situation where life-saving skills are needed,”ayon naman kay CMSE PHL Medic Zachary Shimley.

Kaugnay nito,ang nabanggit na training ay nagsisilbing tulong ng US sa bansa na matagal nang kaalyado nitong sa patuloy na itinataguyod ang kapayapaan sa Indo-Pacific region. NORMAN LAURIO

Comments are closed.