PCG TUMANGGAP NG P10-M ELECTION SECURITY OPS FUND SA COMELEC

TUMANGGAP ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pamumuno ni Commandant, CG Admiral Artemio M Abu ang P10 Milyon para sa election security operations mula kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia sa National Headquarters, Port Area, Manila nitong Huwebes.

Ayon kay COMELEC Chairman Garcia ang naturang pondo ay nakalaan para COMELEC Resolution No. 10919 na inilabas noong May 3 partikular sa deputizing Armed forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at PCG sa pagtitiyak ng libre, maayos, tapat , mapayapa, at kapani-paniwalang pagsasagawa ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023.

Ibinahagi ni CG Admiral Abu na ang P10 milyon ay gagamitin para suportahan ang administrative, operational, at logistical requirements ng iba’t ibang unit nito para sa BSKE.

Nasa seremonya rin sina Comelec Commissioner Rey Bulay; Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr; Coast Guard Public Affairs Acting Commander, CG Rear Admiral Armando Balilo; Chief of Coast Guard Staff, CG Commodore Joeven Fabul; at Deputy Chief of Coast Guard Staff for Logistics, CG Commodore Geoffrey Espaldon.
PAULA ANTOLIN