SOUTHERN TAGALOG- TUTULONG ang Philippines Coast Guard sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang masiguro ang kaligtasan at mapayapang halalan.
Ayon kay Coast Guard District Southern Tagalog Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla, kikilos ang PCG sa nakatakdang BSKE sa darating na Oktubre 30.
Ayon kay Tuvilla, idedeklara ang “heightened alert” ilang araw bago at pagkatapos ng BSKE upang masiguro ang ligtas, mabilis, at maayos na daloy ng mga pasahero at sasakyang pandagat sa mga pantalan sa Southern Tagalog kabilang ang Batangas Port.
Aniya, magdaragdag din ng mga idedeploy na K9 units ang PCG para sa mas mahigpit na pag-iinspeksyon sa mga polling precincts at vote counting centers.
PAULA ANTOLIN