PCG VISAYAS INILUNSAD ANG OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2024

OPISYAL nang inilunsad ng Coast Guard District Southern Visayas (CGDSV) sa pangunguna ni Commo Ludovico D. Librilla Jr., Commander ng Coast Guard District Southern Visayas ang programang “Oplan Byaheng Ayos: Pasko 2024” nitong Disyembre 20.

Bilang bahagi ng programang ito, nagtalaga ang CGDSV ng karagdagang tauhan at kagamitan sa mga pangunahing pantalan sa rehiyon upang palakasin ang inspeksyon, tiyakin ang kahandaan ng mga barko, facilities maging ang mga passenger terminal.

Inaasahan ang pagdami ng mga biyahero at maritime traffic ngayong Kapaskuhan, kaya’t layunin ng programa na patatagin ang kaligtasan at seguridad sa pantalan at magbigay ng maayos na paglalakbay sa mga pasahero.

Simula ngayon hanggang 03 Enero 2025, inilunsad din ang mga “DOTr Malasakit Help Desk” sa mga istasyon, sub-station at pantalan sa rehiyon ng Negros Island.

Ang mga help desk na ito ay tutulong sa pagresolba ng mga reklamo, pagbibigay ng impormasyon at pagresponde sa mga emergency upang maging magaan at ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero.

Para sa mga updates at tulong, maaaring i-report ng mga pasahero ang anumang kahina-hinalang gawain sa pamamagitan ng hotline ng Coast Guard District Visayas o bumisita sa pinakamalapit na Coast Guard Station.

CGDSV OPERATION: 0962487525

CGS NORTHERN NEGROS OCCIDENTAL: 09564262191

CGS SOUTHERN NEGROS OCCIDENTAL: 09289407642

CGS NEGROS ORIENTAL: 09695275768

CGS SIQUIJOR: 09704673521

RUBEN FUENTES