SA panahong ito na laganap ang fake news, maganda ang inilunsad ng Presidential Communication Office (PCO) sa pangunguna ng mahusay na kumakatawan dito na si Sec. Cheloy Velicaria-Garafil.
Hindi ko man nakikita pa ng personal ang kalihim ng PCO , ramdam naman natin ang magandang ginagawa niya para higit na pamahalaan at matigil na ang mga fake news na nais sumira sa kasalukuyang administrasyon.
Mahusay ang inilunsad na Media and Information Literacy (MIL) Project ng pamahalaang Marcos sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding, kasama ang ilang ahensya ng Gobyerno.
Alam naman natin na malaking hamon sa kasalukuyang administrasyon na labanan ang pekeng balita lalo na sa social media.
Sabi nga ni Sec Cheloy ito’y isang nagkakaisang hakbangin ng administrasyong Marcos at digital media industry laban sa misinformation at disinformation.
Binanggit pa niya na maituturing na whole-of-nation approach at whole-of-society commitment.
Ang galeng ah!
Kaya naman ang Peoples Television Network ay katuwang din sa pagbibigay ng tamang impormasyon. Saludo tayo sa News Department at mga programa ng PTV.
Sabi nga ng mga nakakakwentuhan ng Kaliwat Kanan. Hitik sa balita ang Pambansang Telebisyon at magaganda ang mga programa rito.
Salamat sa magagaling at matiyagang mga umaagapay rito.
Maswerte rin ang PTV dahil magaling si HEA Tan na sumusuporta sa mga legal at tamang hakbangin ni GM Ana.Katuwang din sila ng Board of Directors upang ma- implement ng maayos ang mga tamang benepisyo para sa mga empleyado.
Andyan din kasi ang magagaling na Top Management na hindi pumapayag na may magpabagsak sa PTV na pinaglilingkuran nila ng matagal na panahon.
Kung kasama sila sa paglaban sa pekeng balita ay mas inuna nilang sagkaan ang mga pekeng balita sa network.
Mayroon din kasing ilang empleyado na nagkakalat ng pekeng balita, yung kapag hindi kaagad naibigay ang kanilang hinihiniling ay gustong palayasin ang mga opisyal dito. Sana matigil na ito!
Mas maganda siguro na imbis na kainggitan ang mga kasamahan ay palawigin ang kaalaman upang sa darating na henerasyon ay kayo naman.
Naalala ko nga noong pinamunuan rin ng Kaliwat Kanan ang PTV network, sa isinasagawang flag ceremony palagi kong sinasabi na tigilan ang inggitan at siraan. Magtrabaho ng tahimik at masaya.
Kumbaga sa isang pamilya, magmahalan at kung mayroong hinihiling sa magulang at di agad naibigay ay huwag magmaktol agad. Gets nyo! Walang peborits!
Alalahanin natin na may nakamasid na Commission on Audit at gustuhin man na maibigay ang mga naisin nyo ngunit kailangan muna nating padaanin sa tamang proseso.
Hangad na mas itaas pa ang antas ng Pambansang Telebisyon at sana’y mapansin ng mga kinauukulan ang mga kakulangan ng PTV at ng mga empleyado.
Tiwala lang.