PCR MONTH: ISABELA POLICE KIKILALANIN ANG KATUWANG SA PAGLABAN SA KRIMEN

KIKILALANIN ng Isabela Police Provincial Office ang mga indibiwal na naging katuwang nila sa pakikibaka sa krimen sa pagdiriwang ng Police Community Relation Month.

Isang aktibidad ang isasagawa ng IPPO na pinamumunuan ni PCol. James Melad Cipriano na ilang indibidwal ay kanilang bibigyan ng pagkilala dahil malaki ang naitulong sa pagpapatupad ng Crime Prevention and Crime Solutions bilang bahagi ng 26th Police Community Relation Month Celebration.

Ang nasabing pagdiriwang ay may temang PCR Month Celebration ngayong 2021 ay “Pulis at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen.

Isa sa inihayag ni P/Capt. Esem Galiza, Deputy Chief ng Police Community Affairs Develelpment Unit (PCADU) ng IPPO na marami silang nakalinyang aktibidad.

Pangunahin sa naturang aktibidad ay ang pagkilala sa mga kagawad ng pulis at sa mga deserving individual o citizen na tumutulong sa mga programa ng PNP sa pagpapatupad ng crime prevention and crime solutions.

Kung saan ay tatangap din ng Unit Award kabilang ang ilang indibidwal na mabibigyan ng Certificate of Recognition at mayroon silang paparangalan at tatanghaling Outstanding Police Commission Officer sa larangan ng Police Community Relations na nasasakupan ng IPPO.

Samantala, bilang bahagi ng 26th Police Community Relation Month Celebration ay magkakaroon ng Lingkod Bayanihan Caravan o Barangayanihan sa Barangay Cabugao, Cauayan City, Isabela, kung saan magsasagawa ng blood letting activity sa Hulyo 15 katuwang ang Philippine Red Cross.

Magkakaroon din ng unveiling ng drug free work place sa June 27 at Culminating activity ng PCR month sa August 2, na sinusuportahan naman ng LGU’s ng bawat bayan pangunahin na si punong lalawigan Rodito Albano III at bise Gobernador Bojie Dy, III. IRENE V. GONZALES

6 thoughts on “PCR MONTH: ISABELA POLICE KIKILALANIN ANG KATUWANG SA PAGLABAN SA KRIMEN”

  1. 697248 552752Hey there, I feel your weblog might be having browser compatibility issues. When I look at your website in Safari, it looks fine but when opening in Internet Explorer, it has some overlapping. I just wanted to give you a quick heads up! Other then that, superb blog! 934890

  2. 570665 744796Youre so correct. Im there with you. Your weblog is surely worth a read if anyone comes throughout it. Im lucky I did because now Ive obtained a entire new view of this. I didnt realise that this issue was so crucial and so universal. You totally put it in perspective for me. 674455

Comments are closed.