NAKAHANDA ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa gagawing pagdinig ng Senado ang naganap na sunod-sunod nanalo.
Ito ang pahayag ni PCSO General Manager Melquiades Robles sa panukala ni Senador Koko Pimentel na imbestigahan ang sunud-sunod na panalo sa lotto draw at makilala kung sinu-sino ang tumatama.
Sa partners forum sa Philippine Columbian Association o PCA, sínabi ni Robles na tama lamang ang mag-iimbestiga ang Senado, dahil trabaho aniya ng trabaho ang mag-iimbestiga in aid of legislation.Ang dapat aniyang imbestigahan ay kung walang nanalo
Sínabi rín ni Robles na ang pagdami ng nananalo ay indikasyon na marami ang gumagaan ang buhay.
Nagbabala rin ito ng one strike policy sa mga deliquent small town lottery operators. Agad na tatanggalin kung hindi makakapag remit sa PCSO.
Samantala, plano ng pamunuan ng PCSO na gawing digital ang pagbili ng lotto ticket, kung saan sa pamamagitan ng GCash na lamang magbabayad ang mga bumibili ng lotto tickets.
Ito aniya ay para sa mga bumibili ng lotto tickets na ayaw mainitan. EVELYN GARCIA