PCSO, HINIKAYAT NG VACC NA MAGSAGAWA NG MAJOR RETOOLING SA GAMING SYSTEMS

Arsenio Evangelista

UPANG malampasan ang bagong hamon ng dulot ng coronavirus pandemic, hinikayat ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magsagawa ng “major retooling” sa kanilang gaming systems partikular na sa kanilang lotto games.

Ayon kay VACC president Arsenio “Boy” Evangelista, Jr., kailangang i-level up ng PCSO ang kanilang technology systems upang maitaguyod nito ang kanilang revenue generation capacity sa panahong ito ng pandemic crisis, na nagdudulot din ng pagtaas ng demand para sa charity assistance sa milyon-milyong Pinoy na labis na naapektuhan ng pandemya at ng mga lockdown na ipinatupad ng pamahalaan.

“The drastic decline of PCSO’s revenue generation capacity on account of the Covid-19 crisis is reason enough to strengthen it to avert a proportionate crisis in the government’s health care delivery system,” ani Evangelista.

Sinabi ni Evangelista na ang Section 37 ng Universal Health Care Law na isinabatas noong nakaraang taon ay nagsasaad na 40% ng net income ng PCSO ay dapat na mapunta sa state-run Philippine Health Insurance Corp. (UHIC), o PhilHealth.

Gayunman, malaki ang naging epekto ng pandemya sa operasyon ng PCSO dahil sa pagkatigil ng operasyon ng maraming lotto betting stations sa bansa.

Bilang resulta, malaki ang nabawas sa kita ng PCSO, na nag-ulat na nalugi sila ng P13 bilyon noong kalagitnaan ng 2020.

Taliwas ito sa projections ng PCSO na kikita sila ng P52 bilyon ngayong taong 2020.

“With no end in sight yet to the pandemic, it stands to reason that the PCSO has to be retooled if we expect it to fulfill its mandate of sustainable charity and health care delivery,” ayon pa sa VACC leader. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.