NAIS ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na malibre sa pagbabayad ng buwis upang makapagkaloob ng mas malaking pondo sa charity.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa 2020 budget ng government-owned-and-controlled corporations, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na mas makabubuti kung ililibre ang ahensiya sa buwis.
“There is an urgency in revisiting all the taxes imposed on the PCSO,” ani Garma.
Ayon sa PCSO chief, nag-remit ang ahensiya ng kabuuang P16.7 billion na buwis sa national government noong nakaraang ta-on – P2.5 billion sa income taxes, P587.3 million sa creditable income tax, P359.1 million sa value added at iba pang percentage taxes, P50.7 million sa compensation tax, P12.7 billion sa documentary stamp tax, na binabalikat ng lottery bettors, P44,000 na fringe benefit tax, at P564.3 million na corporate income tax.
Sinusugan naman ni Deputy Speaker Prospero Pichay ang kahilingan ng PCSO.
Ayon kay Pichay, isang non-profit operation at charity-based ang PCSO kaya hindi sila dapat nagbabayad ng buwis at ang kita na nalilikom dito ay dapat napupunta direkta sa mga charity program.
Samantala, inamin ni Garma na ang pinakamalaking revenue ng PCSO o 52% ay nagmumula sa Small Town Lottery o STL na aabot sa P12.6-B.
Pumangalawa lamang ang Lotto na may P10.9 billion o 41%, habang 5% lamang sa Keno at iba pang games at 2% naman sa in-stant sweepstakes.
Aniya, 30% ng kita ng ahensiya ay ibinabalik sa publiko sa pamamagitan ng charity, 55% ay sa mga pa-premyo habang 15% lamang ang napupunta sa PCSO.
Nais din ng ahensiya na mapahinto ang kanilang mandatory contributions sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Ayon sa PCSO, kung tatanggalin ang mandatory contributions sa mga ahensiya ng gobyerno ay mas marami silang matutulun-gang mga benepisyaryo.
Dahil dito ay maghahain ng panukalang batas si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves para hindi na maobliga ang PCSO na maglaan ng pondo sa government agencies.
Mula 1998 hanggang Hunyo 2019 ay umabot sa P13.92 billion ang na-remit ng PCSO sa ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Commission on Higher Education, Dangerous Drugs Board, Philippine Sports Commission at Philippine Crop Insurance Corporation. CONDE BATAC
Comments are closed.